Senate Committee on Banks, tiniyak ang agarang aksyon sa panukalang amyenda na magpapalakas sa AMLA

Tiniyak ni Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies Chairperson Senator Grace Poe na agaran nilang aaksyunan at tatalakayin ang panukalang amyenda na layuning magpalakas sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) na sinertipikahang urgent ng Malakanyang.

Ayon kay Poe, magpapatuloy nang mabilis ang kanilang pagdinig pero hindi isasantabi ang pagiging mabusisi.

Ito aniya ay para matiyak na balanse ang kalalabasang bagong bersyon ng batas at may pagsasaalang-alang sa lahat ng kinauukulang sektor.


Diin ni Poe, mahalagang magkaroon ng pamamaraan sa batas na husayan ang pagsugpo sa money laundering, terrorist financing at iba pang katulad na banta sa integridad ng ating sistemang pinansiyal.

Ipinaliwanag pa ni Poe, na ang maayos na sistemang pinansiyal ay may kapasidad na kayanin ang epekto ng mga kaganapang tulad ng pandemya na nagpahirap sa ating ekonomiya at nagpasadsad sa kabuhayan ng ating mga kababayan.

Facebook Comments