
Ikinukonsidera ngayon na ibigay kay Senator Robinhood Padilla ang pagiging Chairman sa Senate Committee on Ethics.
Kinumpirma ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na may ganitong pag-uusap na ibigay na lamang ang naturang komite kay Padilla.
Gayunman, sinabi ni Villanueva na wala pang pinal na desisyon dito maliban na lamang kung babasahin sa plenaryo.
Ang naturang komite ang responsable na tumalakay sa lahat ng usapin na may kaugnayan sa asal, karapatan, pribilehiyo, kaligtasan, dignidad, inregridad at reputasyon ng mga miyembro sa Senado.
Sa kasalukuyan ay hawak ni Padilla ang Committee on Constitutional Amendments and Revisions of Codes, Committee on Public Information and Mass Media at Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs.
May balita ring handa si Padilla na bitawan ang pagiging Chairman ng Constitutional Amendments at posibleng ito ay mapunta naman kay Senator Kiko Pangilinan.









