Binabalangkas na ng Senate Committee on Justice and Human Rights at Blue Ribbon ang Committee Report kaugnay sa isinagawa nitong imbestigasyon sa nabunyag na bentahan ng Good Conduct Time Allowance o GCTA sa loob ng New Bilibid Prison at Bureau of Corrections.
Ayon kay Senator Richard Gordon, Chairman ng nabanggit na mga Komite, target nilang isumite ang draft ng Committee Report sa pagbabalik ng session sa ikalawang Linggo ng Nobyembre.
Bagama’t wala pa ang Committee Report ay sinabi ni Gordon na may ibinunga na ang kanilang imbestigasyon.
Pangunahing tinukoy ni Gordon ang pagsibak kay dating Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon at ang pagpapabalik sa bilangguan halos 2,000 sentensyado sa karumal dumal na krimen na nakalaya dahil sa GCTA Law.
Binanggit din ni Gordon ang napigilang paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na sentensyado sa kasong rape at mga pagpatay.