Naniniwala si outgoing Senator Panfilo “Ping” Lacson na maaari pa ring magamit ng Ombudsman ang draft committee report ng isinagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa kontrobersyal na maanomalya na pagbili ng PPEs at medical supplies ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ayon kay Lacson, kahit na hindi naging opisyal na committee report ang isinagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee dahil sa kinulang ng lagda ng ilang mga senador may motto propio ang Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon at maaari pa rin namang magamit ang draft report ng Senado sa imbestigasyon o preliminary hearing.
Aminado si Lacson na may kwestiyonable sa naturang draft report, kaya kahit na lumagda siya ay may isinulat siya na mag-interpellate at may kailangan na i-ammend sa draft committee report.
Tinukoy ni Lacson na ang pagsasama kay Pangulong Rodrigo Duterte sa draft report na kasuhan sa Ombudsman ng Betrayal of Public Trust dahil hindi naman aniya ito lumabas sa pagdinig ng Senado.
Paliwanag ni Lacson, kung nakumpleto ang lagda, ito sana ang nais niyang amyendahan sa kanyang interpelasyon sa Senado dahil malayo sa pananaw na isama ang pangulo sa kaso na naging dahilan tuloy kaya hindi nakumpleto ang lagda ng mga senador sa draft report ng Blue Ribbon Committee.