
Kinumpirma ni Senator Kiko Pangilinan na ngayong darating na Nobyembre ay diringgin na ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang quo warranto petition na inihain laban kay Senator Erwin Tulfo.
Si Senator Pangilinan ay isa sa mga miyembro ng SET.
Nagpahayag naman ng kahandaan si Sen. Erwin na harapin ang quo warranto petition na inihain laban sa kanya ng disbarred lawyer na si Berteni Cataluna Causing.
Ayon sa senador, apat na beses na itong nagfile ng disqualification case laban sa kanya sa Commission on Elections (COMELEC) dahil sa citizenship issue pero lahat ay nabasura.
Tinangka rin nito na pigilan ang kanyang proklamasyon pero na-dismiss ang pang limang disqualification na inihain ni Causing laban sa kanya.
Sa pitong pagkakataon ay muli itong naghain ng disqualification case pero pinayuhan na si Causing na sa SET na ito dapat maghain.
Sakali namang mabasura ang kasalukuyang quo warranto petition laban sa kanya, inaasahan na ni Sen. Erwin na sa malamang ay umakyat na si Causing sa Korte Suprema.









