Nakitaan ng Department of Justice ng pattern ng terorismo ang nakalipas na tatlong araw na pagdinig ng Senado sa pagpatay kay Negros Oriental Roel Gov. Degamo.
Sinabi ni Justice Sec. Crispin Remulla na lumabas sa Senate hearing ang mga pangyayari kung saan takot na takot ang mga tao sa Negros.
Lumutang din aniya ang mga impormasyon sa mga taong pinapapatay at paano ginagawa ang mga pagpatay.
Lumabas din aniya ang pagkakasangkot ng mga pulis ng Negros Oriental sa mga pamamaslang kung saan naging baluktot na ang sistema ng mga pulis doon dahil sa impluwensiya ng mga politiko.
Nilinaw naman ng kalihim na nagiging maingat ang panel of prosecutors sa paghihimay nito sa mga kaso ni Cong. Arnolfo Teves Jr.
Facebook Comments