Senate hearing sa naging problema ng BPI at BDO, itinakda na sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Sa darating na Miyerkules o June 21 itinakda ni Senator Chiz Escudero ang pagdinig sa naging problema sa sistema ng Bank of the Philippine Islands BPI at Banco de Oro o BDO.

Si Escudero ang chairman ng Senate committee on banks na magsasagawa ng pagdinig.

Ang imbestigasyon ay tugon ni Escudero sa resolusyon ni Senate President Koko Pimentel na imbestigahan ang naging dagdag bawas sa savings ng account holders ng BPI noong nakaraang linggo at ang unauthorized ATM withdrawal naman sa account ng ilang kliyente ng BDO ngayong araw.


Kabilang sa iimbitahan ni Senator Chiz sa pagdinig ay ang mga opsiyal ng BPI, BDO at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sabi naman ni Senator Pimentel, mahalaga na maisagawa ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon sa layuning maproteksyunan ang seguridad at integridad ng banking sector sa bansa.

Ikinabahala din ni Pimentel ang mga pagkaaresto sa ilang dayuhan dahil tampering ng automated teller machines.

“Yes I told Chiz the matter of the security and integrity of our banking sector has now become an urgent topic to examine and be transparent about. BPI, BDO plus the news of the recent arrests of foreigners tampering with our ATMs should be sufficient impulse and justification for us to hear and investigate this matter,” pahayag ni Senator Pimentel.

Facebook Comments