Senate hearing ukol sa drug war, hindi dapat hayaang gamitin nina Senators Dela Rosa at Go para pagtakpan ang katotohanan at linisin ang kanilang mga kasalanan

Mariing kinondena ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang mga pahayag nina Senator Bong Go at Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa pagdinig ng Senado ukol sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Malinaw para kay Brosas ang layunin nina Dela Rosa at Go na linisin ang kanilang sarili at pagtakpan ang madugong ibinunga ng drug war kung saan libu-libo ang nasawi na hanggang ngayon ay sumisigaw ng hustisya.

Giit ni Brosas, walang moral authority sina Go at Dela Rosa na lumahok sa pagdinig dahil sila ay mga nangungunang tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng war on drugs.


Bunsod nito ay nananawagan si Brosas kay Senate President Chiz Escudero na tiyaking mapangangalagaan ang integridad ng imbestigasyon ng Senado sa war on drugs ng may pagpapahalaga sa mga biktima nito.

Pakiusap ni Brosas kay Escudero, huwag hayaan ang mga direktang sangkot sa implementasyon ng war on drugs na i-manipulate ang takbo ng Senate hearing, pagtakpan ang katotohanan, at harangin ang paggawad ng hustisya sa mga kaawa-awang biktima.

Facebook Comments