
Nakahanda ngayon ang clerk of court ng Senate impeachment court para tanggapin ang reply ng House prosecution team kaugnay sa naging sagot ni Vice President Sara Duterte sa summon ng korte.
Binuksan ngayon ng Mataas na Kapulungan ang tanggapan ng Senate secretary na siyang tumatayong clerk of court ng korte.
Anumang oras ay isusumite ngayong araw ang reply ng prosekusyon para sagutin ang isinumiteng answer ad cautelam ng bise presidente.
Naunang nagsumite noong Lunes, June 23, ng sagot si VP Duterte sa Senate impeachment court kaugnay sa inihaing articles of impeachment ng Kamara.
Matatandaang nagpasok ng “not guilty plea” si VP Duterte sa kanyang answer ad cautelam at ipinababasura din nito ang ika-apat na impeachment complaint na inihain laban sa kanya dahil nilalabag nito ang one-year bar rule.









