
Pinalagan ng Senate Impeachment Court ang naging pahayag ni Congressman Chel Diokno na posibleng trap o patibong ang ikalawang certification ng impeachment court na ipagpapatuloy ng 20th Congress ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Iginiit ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, na maayos na sumusulong ang impeachment court alinsunod sa isang makatarungan, legal at transparent na proseso.
Ayon kay Tongol, ang certification procedures ay hindi dapat tinitingnan bilang trap o patibong kundi ang certification processes na ito ay nakakatulong para maiwasan ang anumang kwestyong legal na maaaring makasagabal sa impeachment process.
Anumang pagsira sa mga proseso ng impeachment court ay banta sa kredibilidad ng hukuman at maaaring makasira sa tiwala ng taumbayan sa mismong proseso.









