Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado sa isyu ng passport data breach sa Department of Foreign Affairs.
Ayon kay Senador Kiko Pimentel – hindi maaaring takasan basta-basta ng DFA ang isyu lalo’t pribadong impormasyon ng mga passport holder ang nakataya rito.
Ito ay kahit nilinaw na ni DFA Sec. Teodore Locsin Jr. na walang nangyaring data breach, sa halip ay nawalan lang ng connection ang ahensya para ma-access ang data.
Nauna na ring pinayuhan ni Pimentel ang kalihim na tigilan ang kakapatol sa mga komento online na may kinalaman sa gobyerno.
Bukas, sasalang sa fact-finding meeting ng national privacy commission ang DFA kasama ang mga opisyal ng passport printing company na apo production unit, inc.
Facebook Comments