Senate investigation sa secret jail, planong isagawa sa susunod linggo

Manila, Philippines – Plano ni Committee on Pulic Order andDangerous Chairman Senator Panfilo Ping Lacson na sa susunod na linggo isagawaang pagdinig ukol sa secret jail na natuklasan sa istasyon ng pulis sa Tondo,Maynila.
  Ayon kay Lacson, nakausap niya si Senator Bam Aquino nasyang naghain ng resolusyon para maimbestigahan ng senado ang nasabing secretjail na para umano sa mga sangkot sa ilegal na droga.
  Ayon kay Lacson, pangunahin sa mga iimbitahan si PNP ChiefGen. Ronald Dela Rosa para pagpaliwanagin sa nadiskubreng bilangguan.
  Nauna nang kinastigo ni Lacson si Dela Rosa atpinagsabihang hindi tamang kinukunsinte ang paglalagay ng secret jail dahilmahigpit itong ipinagbabawal ng saligang batas.
  Maliban kay Aquino ay naghain din ng katulad naresolusyon si Senator Risa Hontiveros.
  Giit ni Hontiveros, ang nabunyag na secret detention cellay patunay na ang gera kontra droga ng duterte administrtion ay hindi nakabasesa transparency, civil rights, at rehabilitation.
  Binigyang diin ni Hontiveros, na malinaw na ang war ondrugs na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mapang-abuso, at laban samga mahihirap at diginidad ng sangkatauhan.
   

Facebook Comments