Senate investigation ukol sa paggastos sa pondo ng pandemya, hindi sasadyaing pahabain

Naniniwala si Senator Ramon Bong Revilla Jr. na higit pang bibilisan ng Senate Blue Ribbon Committee ang isinasagawa nitong pagdinig sa paggasta ng gobyerno sa gitna ng pandemya.

Buo ang tiwala ni Revilla na walang balak ang komite na pahabain pa ang isinasagawang imbestigasyon bunga na rin mga pagnanais ng mga senador na masampahan ng kaukulang kaso ang sinumang tutumbukin ng mga lilitaw na ebidensiya.

Idinagdag pa ni Revilla na kailangan ding tutukan ng Senado ang iba pang mahalagang trabaho tulad ng tuloy-tuloy na programa ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemya at ang paghimay at pagpasa sa 2022 national budget.


Paliwanag pa ni Revilla, hindi rin umaayon sa panlasa ng publiko ang labis na pagpapahaba sa pagdinig dahil na rin sa lumalagong ingay ng pulitika bunga ng papalapit na halalan.

Facebook Comments