
Hindi umano apektado ang liderato ng Senado sa ibinibintang na budget insertion sa ilalim ng 2025 national budget.
Naunang itinanggi na ni Senate President Chiz Escudero na mayroon siyang isiningit na P142 billion na pondo para sa flood control projects ng mga kaalyado kung saan dawit din dito si Senate Majority Leader Joel Villanueva.
Ayon kay Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada, hindi nga nila napag-usapan ito sa idinaos na caucus noong nakaraang Martes.
Maski ang mga miyembro ng minorya ay hindi ni-raise ang naturang isyu.
Samantala, naniniwala naman si Estrada na matatag ang leadership ni Escudero.
Kumpyansa rin si Estrada na hindi magiging sakit ng ulo ng mayorya si Senate Minority Leader Tito Sotto III pagdating sa mga plenary debates.
Batid naman ng senador na dahil miyembro at lider ng oposisyon sa Senado si Sotto ay hindi maaalis dito ang magtanong at magbusisi dahil ito ay trabaho rin nila sa minorya.









