Friday, February 6, 2026

Senate Majority Bloc, nananatiling matatag sa kabila ng bantang kudeta sa liderato ni SP Tito Sotto

Ipinagmalaki ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na matibay pa rin ang Majority Bloc sa ilalim ng pamunuan ni Senate President Tito Sotto.

Kung matatandaan, napigilan ng majority ang tangkang kudeta ng minorya sa liderato ni Sotto.

Ayon kay Zubiri, bunsod ng nangyari ay mas naging matatag at isang “big happy family” ang majority sa ngayon.

Nananatili aniyang matatag, nagkakaisa at hindi natitinag ang Majority Bloc ng Senado.

Sinabi pa ni Zubiri na makabubuting muling atupagin ng mga mambabatas ang panahon at pag-uusap sa kanilang trabaho partikular sa pagsusulong ng mga priority measures na makatutulong sa sambayanang Pilipino.

Facebook Comments