
Nilinaw ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na walang kaso o reklamong nakahain laban kina Senator Joel Villanueva at Senator Bato dela Rosa.
Kaugnay ito sa pagalis kina Villanueva at Dela Rosa na miyembro ng Senate Ethics Committee kung saan pinalitan sila nina Senator Imee Marcos at Senator Rodante Marcoleta.
Sa sesyon sa plenaryo ay humingi ng paumanhin si Zubiri kina Villanueva at Dela Rosa na kahit absent matapos niyang sabihin na mayroong posibleng conflict of interest ang mga ito dahil sa kinakaharap na kaso ng dalawang senador.
Paglilinaw ni Zubiri, walang reklamo sa Ethics committee ang dalawang senador.
Agad ding lumapit si Zubiri kay Villanueva para sa ginawang paglilinaw at paghingi ng paumanhin.
Facebook Comments










