Senate minority bloc, humihiling muli ng briefing mula sa ehekutibo kaugnay sa sitwasyon sa Marawi

Manila, Philippines – Para kay Senate Minority Leader Frankin Drilon, tinuldukan na ng Supreme Court ang mga kwestyon kung sapat ba ang naging basehan ng pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong Mindanao.

Bunsod nito ay iginigiit ngayon ni Drilon sa liderato ng senado na muling humiling ng briefing mula executive department kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon sa Mindanao.

Magugunitang ng ibaba ni Pangulong Duterte ang martial law sq Mindanao ay tumanggap ng briefing ng mga senador mula sa security officials ng pamahalaan kabilang ang Dept. of National Defense, Armed Forces of the Phippines at National Security Council.


Mahalaga kasi para kay Drilon ang nalalabing 17 araw bago sumapit ang ika 60 araw ng pagtatapos ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Drilon, dapat matuldukan na sa lalong madaling panahon ang bakbakan sa marawi dahil marami na ang nasasawing sundalo, libu-libong mamamayan ng Marawi ang nasa evacuation centers at labis ng apektado ang human at economic activity sa lugar.

Giit ni drilon, dapat maibalik na ang normal na sitwasyon sa Marawi at maikasa na ang long time rehabilitation plan dito.

Facebook Comments