Senate Minority Bloc, iginiit sa palasyo na ipaglaban ang karapatan ng pilipinas sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ng Senate Minority Bloc sa pamahalaan na gamitin ang chairmanship ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN para igiit ang ating karapatan sa West Philippine Sea.

Nakapaloob ito sa joint statement nina Senators Franklin Drilon, Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinatigil niya ang pagtatayo ng istratura sa Sandy Cay, Sandbar na bahagi ng West Philippine Sea dahil sa pagpalag ng China.


Paalala ng opposition senators ang naging desisyon ng international tribunal na nagsasabing sakop ng hurisdiksyon ng Pilipinas ang maritime space sa West Philippine Sea na pilit inaangkin ng China.

Binanggit din ng minority senators na bago ang naturang desisyon ay kinukuha na ng China ang ating mga isda, at iba pang marine life pati mga mineral resources.

Giit ni Senate Minority Bloc, dapat maipatupad ang nabanggit na pasya ng international tribunal para malayang makabalik ang mga Pilipinong mangingisda sa ating maritime space.

Facebook Comments