Senate Minority Leader Sen. Franklin Drilon, nagpabakuna na kontra COVID-19

Kinumpirma ni Senate Minority Leader Sen. Franklin Drilon na nabakunahan na siya ng unang dose ng AstraZeneca vaccine.

Sinabi ni Sen. Drilon, wala siyang anumang naranasang side effect matapos bakunahan kaya hinimok niya ang publiko na magpabakuna na rin.

Ayon pa kay Drilon, nagparehistro at pumila siya para sa bakuna sa San Juan City noong Abril 10.


Samantala, pinuri niya si San Juan City Mayor Francis Zamora sa maayos na proseso ng pagbabakuna sa lungsod.

Facebook Comments