Senate Minority Leader Tito Sotto III, kinumpirmang papalitan niya na si Senate President Chiz Escudero

Kinumpirma mismo ni Senate Minority Leader Tito Sotto III na papalitan niya na si Senate President Chiz Escudero sa pwesto.

Ayon kay Sotto, mayroon na siyang 15 lagda ng suporta mula sa mga senador.

Nagkausap aniya sila ni Escudero kaninang umaga tungkol dito at tinanong siya nito kung papaanong paraan nila gagawin ang change of leadership.

Sa sesyon ay planong ideklarang bakante ang posisyon ng Senate President at dito’y ihahalal si Sotto bilang kapalit ni Escudero sa pwesto.

Nang matanong kung anong dahilan ng biglang pagpapalit ng Senate leadership, sinabi ni Sotto na maraming problemang kinakaharap ang liderato pero hindi naman aniya ito dahil sa flood control projects.

Facebook Comments