Hinihintay ng Senate Committee on Public Services mula sa House of the Representatives na maipasa sa kanila ang panukalang magbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN Corporation.
Magugunitang naghain si Senate President Vicente Sotto III ng panukala para i-renew ang prangkisa ng network para sa susunod na 25 taon.
Ayon kay Committee Chairperson, Senator Grace Poe, suportado nila ang malaya at patas na media sa ngalan ng serbisyo publiko.
Pagtitiyak ni Poe na aaksyunan ng kanyang komite ito.
Batid din niya ang naging epekto ng ABS-CBN Shutdown at pangangailangan ng mas maraming news outlets lalo na sa panahon ng pandemya.
Pero nilinaw ni Poe na nakasaad sa Konstitusyon na ang panukalang batas ay dapat magkaroon muna sa Kamara.
Ang panukala naman ni SP Sotto ay ire-refer sa Senate Committee on Rules hanggang sa ibigay ng Kamara ang franchise.