Senate Pres. Tito Sotto, nilagdaan na ang 2019 national budget

Naipadala na ng Senado sa Malacañang ang enrolled bill ng 2019 national budget.

 

Ito’y makaraang lagdaan na ito ni Senate President Tito Sotto III at pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para tuluyan itong maisabatas.

 

Ayon kay Sotto, bagama’t pinirmahan niya ang 2019 budget, hindi ito nangangahulugan ng pag-apruba ng senado sa ginawang realignment ng kamara.


 

Kaya panawagan niya kay Pangulong Rodrigo Duterte, pag-aralang mabuti ang mga proyekto at programang nakapaloob sa budget at kung kinakailangan ay gamitin ang kanyang veto power kung sa tingin din niya ay “unconstitutional” ang ginawang realignment ng kamara sa pambansang pondo.

 

Nilinaw din ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na ang pag-apruba ng senado sa budget ay para matapos na ang deadlock sa 2019 budget.

 

Paliwanag ng senador, wala naman kasing problema sa 98 percent ng pondo at dalawang prosiyento lang nito ang umano’y naapektuhan ng realignment ng Kamara.

Facebook Comments