Senate Presdient Pimentel, duda na propaganda lang ang liham sa kanya ni Senator De Lima

Manila, Philippines – Naghihinala si Senate President Koko Pimentel na pang propaganda lang ang tunay na layunin ng liham sa kanya ni Senator Leila De Lima.

Nakapaloob sa liham ni De Lima ang hiling sa liderato ng Senado na pahintulutan siya na makalahok sa mga importanteng kaganapan sa Senado katulad ng botohan sa mahalagang panukala.

Ipinunto ni De Lima sa liham na kahit siya ay nakakulong ay may mandato siyang dapat gampanan lalo pa at hindi pa naman siya nahahatulan at wala naman mga kongkretong ebidensya laban sa kanya.


Ayon kay Pimentel, pinag-aaralan pa niya kung tutugunin ang nabanggit na liham dahil mukhang ito ay pang propaganda lang.

Dagdag pa ni Pimentel, hindi niya inakala na ang nabanggit na liham ay magiging tila isang media event.

Facebook Comments