Senate President Chiz Escudero, handang tumulong sa mga senador na nakakatanggap ng death threat

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na tutulong siya sa mga senador na nakatatanggap ng death threats sa gitna na rin ng imbestigasyon ng Senado sa mga POGO.

Ito ay matapos na sumulat si Senator Sherwin Gatchalian sa Pasay City Police Station matapos makatanggap ng banta sa kanyang buhay.

Ayon kay Escudero, nakausap niya na si Gatchalian pero hindi pa naman humihingi ng tulong ang senador sa kanya.


Tiniyak ng Senate President na nakahanda siyang tumulong sa abot ng kanyang makakaya sa mga senador na nasa ganitong sitwasyon.

Magkagayunman, sariling desisyon na ni Gatchalian at hindi na ng Senado kung magdadagdag siya ng personal security para sa sarili.

Dagdag pa ni Escudero, noon pa nang mag-inspeksyon sa mga POGO ay nagpahingi ng dagdag na security si Gatchalian pero hindi aniya ito “daily basis”.

Facebook Comments