
Nagsagawa ng inspeksyon kahapon si Senate President Chiz Escudero sa Senado sa kabila ng masamang panahon at kanseladong pasok sa Mataas na Kapulungan.
Ito ay bahagi ng paghahanda para sa pagbubukas ng first regular session ng 20th Congress sa Lunes, Hulyo 28.
Ininspeksyon ni Senate President Escudero ang bawat sulok, bawat palapag at mga kwarto sa loob ng senate building at maging ang mga pasilidad sa labas ng gusali.
Kabilang sa mga personal na ininspeksyon ni Escudero ang session hall, mga committee rooms at iba pang opisina.
Tiniyak ng senador na handa na ang mga ito sa mga committee hearings.
Kahit ang basement parking, mga ilaw, set up ng mga upuan, legacy wall, lugar kung saan dapat nakapuwesto ang X-ray machine , elevator, restroom, manhole pump, RFID scanner at barrier ay ininspeksyon din ni Escudero
Binigyang diin ng mambabatas na mahalagang personal niyang makita ang kalagayan ng mga lugar kung saan nagtatrabaho ang mga senador upang matiyak na maayos at ligtas ang lahat pati mga empleyado at mga bisita sa susunod na linggo.









