Senate President Chiz Escudero, ininspeksyon ang New Senate Building

Nagsagawa ng inspeksyon si Senate President Chiz Escudero sa kontrobersyal na New Senate Building (NSB) sa kauna-unahang pagkakataon.

Ayon kay Escudero, nagpunta siya roon hindi para maghanap ng butas kundi para matapos ang gusali sa pinakamurang halaga.

Sa kabila ito ng sinabi noon ni Senator Alan Peter Cayetano na ang NSB ang lalabas na pinakamahal na gusali sa Pilipinas.


Sinabi ni Escudero na “first time” niyang makita ang gusali at napakalawak naman talaga subalit kung siya ang papipiliin, mas gusto niya ng mura at praktikal.

Magkagayunman, trabaho nila sa Senado na tapusin na ito.

Samantala, kasama na sa price cap na P31 billion ang pinambili sa lupa at ngayong linggo inaasahan na maibibigay na ang halaga ng buong proyekto kung saan ikinunsidera na rin dito ang inflation.

Facebook Comments