Senate President Chiz Escudero, posibleng kuha na ang supermajority sa 20th Congress

Malaki ang tsansang nakuha na nga ni Senate President Chiz Escudero ang boto ng supermajority sa Senado para mapanatili siya sa pwesto sa pagbubukas ng 20th Congress.

Ayon kay Senator JV Ejercito, sa kanyang tantya ay nasa 17 hanggang 18 na ang mga senador na lumagda sa resolusyon ng pagsuporta para kay Escudero.

Sinabi ni Ejercito na may mga nakausap siyang ilan pang senador at kung noong una hindi sigurado ngayon ay mukhang si SP Chiz na rin ang kanilang susuportahan.

Sa tingin pa ng mambabatas, kaya rin nadadagdagan ang bilang para kay Escudero ay dahil batid na rin ng lahat na may numero ito.

Naniniwala pa si Ejercito na malaking advantage kung si Escudero ang Senate President na isang mahusay na abogado at malaking tulong ito para sa mas organisadong court proceedings para sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments