Senate President Chiz Escudero, umapela na umabante na sa isyu ng pagpapalit ng Senate leadership

Hiniling ni Senate President Chiz Escudero na umabante na ang lahat at huwag nang ungkatin pa ang mga pinagdaanan at dahilan sa pagpapalit ng liderato ng Senado.

Ayon kay Escudero, ang pananatili at pagpapalit ng pamumuno sa Senado ay nakadepende sa kumpyansa ng mga myembro ng Mataas na Kapulungan.

Aniya, mas dapat na pag-usapan at pagtuunan ng pansin ngayon ay ang mga bagay na mapagkakaisahan at mapagtutulungan ng Senado.


Handa na si Escudero na makatrabaho at makipagtulungan sa mga kasamahang senador sila man ay nasa mayorya o minorya.

Itinanggi naman ng senador na may kumausap sa kanya mula sa Malacañang hinggil sa pagpapalit ng liderato.

Facebook Comments