Senate President Francis Escudero, no comment sa panibagong isyu ng kudeta laban sa kanya

Tumanggi si Senate President Chiz Escudero na magkomento tungkol sa balitang namumuong kudeta sa Senado laban sa kanya.

Sa isang pahayagan ay lumabas ang balitang napipintong kudeta sa liderato ng Senado kung saan sinasabing si Senator Cynthia Villar ang papalit na unang pinabulaanan na rin ng senadora.

Ayon kay Escudero, hindi siya magkokomento sa mga bagay na base lamang sa mga haka-haka.


Tulad aniya ng kanyang palaging sinasabi, mananatili lamang itong tsismis o haka-haka hanggang hindi nangyayari.

Sinabi pa ng Senate President na focus lamang siya sa kanyang trabaho gayundin ang buong Mataas na Kapulungan.

Facebook Comments