Senate President Juan Miguel Zubiri, nagdeklara na walang planong tumakbo sa 2028

Nilinaw na agad ni Senate President Juan Miguel Zubiri na wala siyang planong tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno sa 2028.

Kasunod na rin ito ng commissioned survey sa Pulse Asia kung saan panglima siya o katumbas ng 7% ng mga botante sa bansa ang gusto siyang tumakbo sa pagka-bise presidente.

Ayon kay Zubiri, ngayon pa lamang ay lilinawin na niya ang mga intriga na posibleng lumutang at aniya’y wala siyang balak na kumandidato sa alinmang public office pagsapit ng 2028 national at local elections.


Katunayan aniya ay pinag-iisipan niya na ang pagreretiro pagkatapos ng kanyang 30 taon na pagsisilbi sa gobyerno.

Nagpapasalamat naman si Zubiri sa mga Pilipinong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya.

Tiniyak naman ng Senate President na higit niya pang pagbubutihin ang kanyang trabaho sa natitira niya pang apat na taon sa Senado.

Facebook Comments