Senate President Juan Miguel Zubiri, nilagdaan na ang enrolled bill ng Maharlika Investment Fund Act

Nilagdaan na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong araw ang enrolled bill ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act.

Ginawa ni Zubiri ang paglagda sa MIF Bill sa Philippine Embassy sa Washington D.C. kung saan kasama rin sa iba pang enrolled bills na pinirmahan ng Senate president ang Estate Tax Amnesty Extension Act, at ang panukala na pagkilala sa Baler, Aurora bilang birthplace ng Philippine Surfing.

Si Zubiri ay nasa US ngayon para sa isinasagawang working visit at pulong kasama ang mga miyembro ng US Congress at iba pang government agencies.


Nagkataon din na kasama si Senate Secretary Renato Bantug sa delegasyon ng Senado sa US kaya nabitbit nito ang kopya ng MIF Bill para malagdaan na ni Zubiri.

May ilang araw pa na nasa US ang mga ito pero agad na isusumite sa Malacañang ang kopya ng nilagdaan na enrolled bill ng MIF sa pagbalik nila ng bansa.

Tiwala naman si Zubiri na ang mga correction na ginawa sa Maharlika Bill ay masusing natalakay ng mayorya sa Mataas na Kapulungan.

Facebook Comments