Senate President Juan Miguel Zubiri, tiniyak ang pagiisyu ng subpoena laban kay Pastor Apollo Quiboloy

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magiisyu ang Senado ng subpoena laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader and founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Zubiri, nakahanda na ang pagiisyu ng subpoena kay Quiboloy at lagda na lamang niya ang kulang dito.

Aniya, nasa Visayas lamang siya ngayon para sa ilang engagements at pagbalik niya ay agad na lalagdaan ang mga dokumento.


Aminado si Zubiri na sa gitna ng mga pagsisikap na protektahan ang institusyon ay naipon ang mga administrative work sa kaniyang opisina.

Ang tuluyang pagpapa-subpoena kay Quiboloy ay matapos ang hindi nito pagdalo sa mga nakalipas na pagdinig ng komite ni Senator Risa Hontiveros tungkol sa mga alegasyon ng pangaabuso ng pastor sa mga miyembro nito.

Facebook Comments