Senate President Koko Pimentel, iginiit kay VP Leni na itama ang mga impormasyong ibinigay niya sa UN

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Koko Pimentel kay Vice President Leni Robredo na may limitasyon ang freedom of expression kaya makabubuting bawiin o itama nito ang impormasyong ibinigay sa United Nations.

 

Ang tinutukoy ni Senator Pimentel ay ang laman ng video message ni Robredo sa UN na nagsasabing 7,000 na sa Pilipinas ang biktima ng summary executions.

 

Ang nabanggit na video message ni Robredo ay umani ng batikos sa mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil maituturing anila itong betrayal of public trust at pwedeng basehan ng impeachment.

 

 

Pero diin ni Senator Pimentel, may banta man o wala na impeachment laban kay Robredo ay dapat nitong itama ang maling impormasyon na ibinigay sa international community.

 

Lahat naman aniya ay nagkakamali at ang mahalaga ay maitama ito lalo na kung nakakasira sa ating bansa.

Facebook Comments