Naniniwala si Senate President Juan Miguel Zubiri, na patay na ang isinusulong ng Kamara na People’s Initiative.
Ayon kay Zubiri, sa kanyang pagkakaalam ay “water under the bridge” o lumipas na ang People’s Initiative para sa pagamyenda ng Konstitusyon.
Tanong naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, na sino ba ang may gusto ng People’s Initiative.
Aniya, wala namang umaamin kung sino ang nasa likod ng People’s Initiative kahit pa kitang kita na kung kaninong kamay ang nagbibigay kumpas para umusad ito.
Sa usapin naman ng hiwalay na isinusulong na Cha-cha ng Senado at Kamara, sinabi ni Zubiri na mas maganda kung i-a-adopt na lamang ng mga kongresista ang bersyon ng mataas na kapulungan para walang gulo, walang away, hindi kwestyunable at walang uncertainty.
Kasunod naman ito ng pagbibigay hudyat ni Pangulong Bongbong Marcos sa Senado na pangunahan na ang Charter Change habang ang Resolution of Both Houses no. 7 naman sa Kamara ay voting jointly sa halip na voting separately para sa Cha-cha.