Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ipinakukunsidera ang konsepto ng ‘adaptive reuse’ para sa Manila Central Post Office

Ipinakukunsidera ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na gamitin ang konsepto ng ‘adaptive reuse’ sa nasunog na Manila Central Post Office sa halip na tuluyang sirain ang heritage structure.

Paliwanag ni Legarda, maaaring i-restore o muling ibalik sa orihinal ang post office at gamitin sa bagong purpose.

Sinabi ng senadora na ito ay ginawa na noon sa Intramuros at walang dahilan para ito ay hindi magawa sa ibang bahagi ng bansa.


Hiniling ni Legarda ang agad na pagbibigay ng alokasyon para mapondohan ang conservation management plan, structural integrity studies, at ang restoration at retrofitting ay dapat agad at maingat na gawin.

Inirekomenda rin ng mambabatas na ang pagbili at paglilipat ng pagmamay-ari sa gusali ay maibigay sa National Museum o sa ibang cultural government agencies at kung kinakailangan ay maglagay ng ’emergency shoring’ o pansamantalang suporta upang maiwasan ang tuluyang pag-collapse ng pader at foundational structures.

Dahil dito ay plano ng senadora na maghain ng resolusyon para himukin ang mga kapwa senador na samahan siya sa pagsusulong ng mga panukalang nakapalibot sa ating heritage at national patrimony.

Facebook Comments