
Inihalal na si Senate President pro-tempore Panfilo Lacson bilang Chairman ng Senate Committee on Accounts kapalit ni Senator Loren Legarda.
Sa sesyon ay nagmosyon si Senate Majority Floor Leader Migz Zubiri na ihalal si Lacson bilang chairman ng Accounts.
Wala namang tumutol sa naturang mosyon at inaprubahan ni Senate President Tito Sotto III ang mosyon.
Tinanggap naman ng buong loob ni Lacson ang pamumuno sa komite na minsan na rin niyang hinawakan noong 18th Congress.
Ang komiteng ito ang pangunahing in-charge din sa ipinapatayong New Senate Building sa Taguig City.
Facebook Comments









