SENATE PRESIDENT | Senator Tito Sotto, hindi na muna mapapanood sa kanilang noontime show

Manila, Philippines – Hindi na muna makikita si Senator Tito Sotto sa kanilang noontime show na Eat Bulaga.

Nanghihinayang man, kailangan ni Tito Sen na tumutok ng husto sa bagong responsibilidad bilang Senate President kung saan kakausapin niya ang mga co-hosts na sina Vic Sotto at Joey De Leon para ipaalam ang kanyang plano.

Dagdag pa nito, maging ang producer ng Eat Bulaga na si Tony Tuviera ay kailangan din niyang kausapin hinggil sa gagawing leave of absence.


Matatandaan na nagagawa pa ni Sotto na magpakita sa Eat Bulaga tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado at kapag suspindido ang sesyon sa senado pero sa ngayon mas malaking responsibilidad na ang kaniyang hahawakan kaya at uunahin muna niya ang trabaho bilang Senate President.

Facebook Comments