Senate President Sotto, kinumpirmang isusumite ng NICA ang listahan ng mga protektor ng agricultural smuggling

Kinumpirma ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nangako na ang National Intelligence Coordinating Agency o NICA na isusumite na sa kanila ang listahan ng mga protektor ng mga sangkot sa agricultural smuggling.

Ayon kay Sotto na Abril 28 ang ipinangakong petsa ng NICA para sa pagpapasa ng listahan sa Senate Committe of the Whole.

Batay aniya sa pangako ng NICA, magpupulong ang mga miyembro ng ahensya sa April 27 bago ibigay ang listahan sa kanya.


Una nang sinabi ni Sotto na sa sandaling mapasakamay nila ang talaan at na-validate ay agad siyang magpapatawag ng pagdinig hinggil sa isyu ng agriculture smuggling.

Nagpahiwatig naman si Sotto hinggil sa mga personalidad na sangkot sa smuggling sa pagsasabing madidismaya ang sinuman kapag natuklasan kung sino ang mga ito.

Facebook Comments