
Humarap sina Senate President Tito Sotto at Sen. Panfilo Lacson Sr. sa Independent Commission on Infrastructure (ICI).
Sinabi ni Sotto na iniimbitahan sila ng ICI para alamin sa kanila ang proseso ng pag-amyenda at insertions sa national budget.
Tiniyak naman ni Lacson na isusumite nila sa ICI ang lahat ng kanilang mga nakalap at makakalap pang ebidensya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang flood control projects.
Kabilang aniya rito ang mga ebidensyang nakuha nila mula kay dating Bulacan District Engineer Brice Hernandez.
Ayon kay Lacson, kinakausap na rin nila ang abogado ni Hernandez hinggil sa pagpreserba at sa pagkustodiya sa computer ni Hernandez na naglalaman ng mga ebidensya.
Aminado naman si Sotto na panahon na para dumistansya ang mga senador at Kongreso sa mga proyekto ng gobyerno.









