Senate President Tito Sotto at Senator Ping Lacson, sa Agosto 5 iaanunsiyo ang plano sa 2022 elections

Sa Agosto 5 iaanunsiyo nina Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo Lacson ang kanilang plano para sa 2022 elections.

Ito ang sinabi ni Sotto sa gitna ng umuugong na balita na balak nilang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na taon.

Ayon kay sotto, tatapusin muna nila ang ginagawang konsultasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa bago ianunsiyo ng magiging desisyon nila ni Lacson.


Sa ngayon, nagsimula nang mag-ikot sina Sotto sa Luzon habang magtutungo naman sila sa Visayas sa susunod na linggo.

Susubukan din aniya nilang makapunta sa Mindanao bago muling magbalik ang sesyon sa kongreso sa Hulyo 26.

Una nang sinabi ni Sotto na posibleng maging running mate siya ni Lacson sakaling maisipan nitong tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas.

Facebook Comments