Ipinahayag ni Senate President Vicente Sotto III ang kaniyang pagkadismaya kay health Secretary Francisco Duque III sa mga alegasyong naging pabaya ito kaya’t nabigo ang Pilipinas na maagang makakuha ng 10 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.
Sa isang panayam, sinabi ni Sotto na hindi na kailangang pagpaliwanagin pa si Duque dahil alam na naman ng publiko na may pananagutan ang kalihim.
Unang inihayag ng kapwa senador na si Sen. Ping Lacson na nasayang ang pagkakataon na maagang makapag-secure tayo ng bakuna dahil sa pagkabigo ni Duque na isumite ang kinakailangang Confidentiality Disclosure Agreement.
Naging paliwanag naman dito ni Duque na nag-iingat lamang siya lalo na’t gusto muna niyang magkaroon ng karagdagang impormasyon at datos ukol sa bakuna ng Pfizer.