Senate President Tito Sotto III, may bwelta sa akusasyon ni Sen. Imee Marcos laban sa 2026 budget

Bumwelta si Senate President Tito Sotto III sa mga pahayag ni Senator Imee Marcos kaugnay sa ipinasang 2026 budget na umano’y nagtataglay pa rin ng soft pork na nakapaloob sa mga ayuda programs ng pamahalaan.

Giit ni Sotto, ang mga akusasyon ni Sen. Imee ay hindi patas at walang matibay na basehan.

Hindi aniya matatawag na soft pork ang mga ayuda dahil hindi naman ito lumpsum funds na itatalaga ng mambabatas at hindi maaaring makialam dito ang mga senador.

Sinabi pa ni Sotto na entitled sa kanyang sariling opinyon ang senadora.

Itinatanggi rin ng SP na pwedeng gamitin ang mga ayuda programs para pausarin ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Malabo naman aniyang magagawa yun kung malinaw na may anti epal provision at di pwedeng makialam ang mga pulitiko sa pamimigay ng ayuda.

Facebook Comments