Senate President Tito Sotto III, nilinaw na hindi niya pinaiimbestigahan ang paggamit ng Ivermectin

Nilinaw ni Senate President Tito Sotto III na hindi niya ipinag-utos na imbestigahan ang isyu ng paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Sotto na magkakaroon siya ng privilege speech sa Senado kapag nagbalik na ito sa sesyon at dito posibleng talakayin sa concerned na senate committee ang isyu ng Ivermectin.

Ayon kay Sotto, tila kahit ang mga doktor ay hati ang opinyon sa paggamit nito para makaiwas sa COVID-19 at nais niya lamang na magtulong-tulong na masugpo ang banta ng virus.


Sa ngayon, nasa anim na ospital pa lamang sa bansa ang binigyan ng Food and Drug Administration ng compassionate special permit para gamitin sa mga COVID-19 patients.

Facebook Comments