Senate President Tito Sotto III, posibleng mag-inhibit kapag tinalakay na ang Charter Change

Posibleng mag-inhibit si Senate President Tito Sotto III sa isyu ng Charter Change (Cha-Cha) sakaling matuloy na talakayin ito sa Senado.

Ayon kay Sotto, ito ay upang hindi magkaroon ng isyu na isa siya sa nais na magkaroon ng Cha-Cha para mapalawig pa ang kanilang termino.

Dagdag pa niya, naka-apat na six-year terms na siya at siya na ang pinakamatanda at pinakamatagal na naglingkod sa Senado.


Matatandaang sa ilalim ng kasalukuyang Konstitusyon ay hindi pinapayagan ang isang senador na tumakbo ng higit sa dalawang magkasunod na termino.

Samantala, ipinunto naman ni Sotto na maganda ang layunin ng Cha-Cha pero kinakailangan pa rin itong dumaan sa butas ng karayom lalo na’t dalawang taon na lamang ang natitira sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments