Senate President Zubiri, hinimok ang mga Pilipino na maging reserve command force ng bansa

Hinimok ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga Pilipino na sumali at maging bahagi ng reserve command force ng bansa.

Ginawa ni Zubiri ang pahayag matapos ang “donning of rank ceremony” at panunumpa ni Zubiri bilang Lieutenant Colonel ng Philippine Army Reservist kaninang umaga sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Zubiri, nananawagan siya sa mga kababayan na sumama sa reservist force ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang handa tayo sa anumang posibleng hamon na kaharapin ng bansa.


Aniya, hindi lang naman sa gyera ang paghahanda na pwedeng gawin ng isang reservist kundi paghahanda rin sa hamon ng kalamidad tulad ng bagyo at lindol, krisis, military duty na pagtulong sa mga kababayan at paghahanda sa external threat na patuloy na lumilikha ng problema sa bansa.

Para mas mahikayat ang publiko ay ipinagmalaki rin ni Zubiri ang ilang mga senador na bahagi ng AFP reserve force tulad nina Senators Loren Legarda, Joel Villanueva, Ronald “Bato” dela Rosa, Francis Tolentino at Robin Padilla.

Facebook Comments