Senate probe hinggil sa katiwalian sa PhilHealth, welcome kay Morales

Inihayag ni PhilHealth President Ricardo Morales na welcome sa kanya ang mungkahi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na imbestigahan ang kaniyang ahensya sa lahat ng umano’y katiwalian nito.

Ayon kay Morales, sinimulan niyang linisin ang PhilHealth sa ilalim ng kaniyang pamumuno at ginagawa na rin ang lahat ng hakbang upang masagot ang mga kontrobersiyang kinakasangkutan ng ahanesya.

Aniya, ang paglilinis sa mga katiwalian sa ahensya ay hindi magagawa overnight lalo’t isang taon pa lang siyang namumuno sa PhilHealth.


Iginiit niya na handa siyang harapin ang imbestigasyong gagawin ng Senado.

Wala aniya siyang dapat ikatakot dahil malinis ang kaniyang konsensya.

Facebook Comments