Senate resolution na ibalik si FPRRD, hindi papansinin ng ICC

Naniniwala si Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima na hindi papansinin ng International Criminal Court (ICC) ang resolusyon na inihain sa Senado na nananawagan sa agarang pagbabalik sa bansa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa tingin ni De Lima, ang senate resolusyon ay political posturing na lang dahil wala na sa kapangyarihan ng gobyerno natin na pabalikin si former President Duterte.

Ayon kay De Lima, walang legal na bigat at hindi mapagbibigyan ang nabanggit na resolusyon dahil may proseso ang ICC para sa mga hiling ng pagpapalaya mula sa kanilang kustodiya.

Paliwanag pa ni De Lima, ang ICC ay isang independenteng pandaigdigang tribunal na may sapat na hurisdiksyon sa umano’y crimes against humanity na kinakaharap ni Duterte.

Facebook Comments