Senate rules, inamyendahan para mabigyang proteksyon ang mga senador

Inamyendahan ng mataas na kapulungan ang rules ng Senado kung saan binigyan ng awtorisasyon ang Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) para protektahan ang mga senador sa loob at labas ng gusali.

Nilinaw ni Senate President Chiz Escudero na ito ay dahil sa banta sa buhay na natatanggap ilang senador bunsod ng imbestigasyon kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

This slideshow requires JavaScript.


 

Wala aniya itong kinalaman sa mga tinanggal na pulis sa security detail nina Senators Ronald “Bato” dela Rosa at Bong Go.

Binigyan din sila ng kapangyarihan na magsilbi ng mga warrant of arrest at subpoena na iniisyu ng Senado dahil sa ngayon, kailangan pa muna itong dumaan sa pulisya.

Si Senate Majority Leader Francis Tolentino ang nagsulong ng pag-amyenda sa Senate rules kung saan iginiit niyang nakakasagabal sa kakayanan ng Senado bilang isang institusyon ng gobyerno na magkaroon ng sariling security at operational protocol.

Facebook Comments