Senate Sergeant-at-Arms, bigo pa ring maaresto si dating PS-DBM Head Lloyd Christopher Lao at ilang opisyal ng Pharmally

Hindi matagpuan kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin naaaresto ng mga miyembro ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) si dating Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) Head Lloyd Christopher Lao.

Bukod kay Lao ay hindi rin matunton ng OSAA ang konaroronan ng magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani na parehong opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporations.

Sina Lao at magkapatid na Dargani ay cited in contempt at pinapaaresto ng Senado dahil sa ilang beses na hindi pagsipot sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa umano’y mga iregularidad sa pagbili ng PS-DBM ng pandemic supplies.


Ayon kay Sergeant-at-Arms Gen. Rene Samonte, magtutungo na rin ang ilan nilang miyembro sa Davao at Cebu kung saan may address si Lao.

Umaasa ai Samonte na ngayong weekend ay mapapasakamay na nila si Lao.

Facebook Comments