Senate Sergeant at Arms, blangko pa kung hanggang mananatili sa kustodiya ng Senado si Sheila Guo

Blangko pa si Senate sergeant at Arms Ret. Gen. Roberto Ancan kung hanggang kailan mananatili sa Senado si Sheila Guo.

Ayon kay Ancan, nakadepende ito sa magiging desisyon ng Senate Committee on Women.

Tiniyak din ni Ancan na malayang makakabisita kay Sheila sa detention room nito ang kanyang abogado.


Sinabi pa ni Ancan na walang dalang cellphone si Sheila nang dumating ito sa Senado pero makagagamit aniya ito ng kanilang cellphone kapag kailangan nyang tawagan ang kanyang abogado.

Si Sheila Guo ay nakaposas nang dumating sa Senado kung saan escorted siya ng sasakyan ng NBI.

Isinailalim din si Sheila sa medical check pagdating sa Senado para alamin ang physical condition nito.

Facebook Comments